Bilang isang kabataan nakakalungkot isipin na napakarami sa natin ang tumatahak sa maling landasin ng buhay .Alam ko na napakaraming pagsubok ang dumarating sa ating buhay ngunit mali parin na sumuko tayo at takasan ang mga pagsubok na ito,higit sa lahat ay ang pasukin ang maling landas para maiwasan ang anu mang hamon na dumarating sa ating buhay. Sa simula pa lamang sinabi na ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal na"ang kabataan ang pag-asa ng bayan".Tinutukoy na tayong mga kabataan ang inaasahan sa ating lipunan.Tayo ang magsisilbing daan para sa pagbabago -ang magpapalaganap ng kamalayan at magwawakas sa suliraning kinakaharap ng ating bansa.Ngunit sa panahon ngayon talagang lumalabo na ang kasabihang ito sapagkat marami sa kabataan ngayon ang nalululong sa droga,mga kabataang palaboy at wala sa paaralan,at mayroong mga kaliwa't kanang balita tungkol sa kabulastugang ginagawa ng mga kabataan.Masakit mang isipin ang katot...