Bilang isang kabataan nakakalungkot isipin na napakarami sa natin ang tumatahak sa maling landasin ng buhay .Alam ko na napakaraming pagsubok ang dumarating sa ating buhay ngunit mali parin na sumuko tayo at takasan ang mga pagsubok na ito,higit sa lahat ay ang pasukin ang maling landas para maiwasan ang anu mang hamon na dumarating sa ating buhay.
Sa simula pa lamang sinabi na ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal na"ang kabataan ang pag-asa ng bayan".Tinutukoy na tayong mga kabataan ang inaasahan sa ating lipunan.Tayo ang magsisilbing daan para sa pagbabago -ang magpapalaganap ng kamalayan at magwawakas sa suliraning kinakaharap ng ating bansa.Ngunit sa panahon ngayon talagang lumalabo na ang kasabihang ito sapagkat marami sa kabataan ngayon ang nalululong sa droga,mga kabataang palaboy at wala sa paaralan,at mayroong mga kaliwa't kanang balita tungkol sa kabulastugang ginagawa ng mga kabataan.Masakit mang isipin ang katotohanan na tayo pa ang nangunguna para sirain ang ating kinabukasan at lalo pang palalain ang suliraning kinakaharap ngayon ngunit patuloy paring isinasampal sa atin ang katotohanang ito.Nasaan na ang sinasabing pag-asa?
Sa kabila nito marami parin tayo na patuloy na lumalaban at masasabing pag-asa parin ng bayan.Tayo na't buksan ang ating mga mata,ipakita natin sa lahat na may pag-asa pa ,atin ng baguhin ang pananaw nila ukol sa atin.Tayong mga natitirang kabataan ang magpasimula ng pagkakaisa .Huwag na tayong tumulad sa kanila at sa naunang henerasyon -mga kabataang sumuko at tumahak ng maling daan.Kaya tayo ng makaisa,may magagawa pa tayo kung ang lahat ay magtutulungan .Bakit pa hihintayin ang tuluyang pagkasira ng reputation natin bilang kabataan,buksan natin ang ating kaisipan at simulan ang pagbabago na matagal ng inaasam para makamit ang magandang kinabukasan,ipagpatuloy ito hanggang sa hinaharap at sa mga susunod pang henerasyon.
Comments
Post a Comment