AKO BILANG AKO: NGAYON AT SA HINAHARAP
Sa bawat hamon na iyong kakaharapin at sa bawat pagsubok na darating sa iyong buhay, huwag na huwag kang susuko. Sapagkat ang bawat hirap na iyong pagdadaanan alam kong panibagong pag asa na darating. Kahit na ilang beses ka mang ilugmok ng kapalaran tandaan mong hindi ka dapat sumuko at mawalang ng pag asa, patuloy kang lumaban at tumayo sa sarili mong mga paa. Sa hirap na iyong napagdaanan heto ka't nakamit mo na ang tagumpay. Naging matatag ka at hindi sumuko sa lahat ng hamon sayo ng kapalaran bagkus ay hinarap mo ito ng walang takot at walang pag aalinlangan kaya kaya naabot mo ang lahat ng minimithi mo sa buhay. Huwag sana itong maging daan para ikay magmalaki at magbago.
Isipin mo Ang lahat ng pinagdaanan mo bago mo narating ang lugar kung saan ka ngayon. Alalahanin mo ang mga taong nagmahal, tumulong at sumuporta sa iyo. Huwag mong hahayaan na muli kang hilahin pababa ng kapalaran. Naway lahat ng sakit at hirap na dulot ng nakaraan ay magsilbing aral para patuloy kang lumaban. Ang sarap makita na masaya ka na ngayon sapagkat nakamit mo na ang pangarap sa iyong sarili at sa iyong pamilya. Higit sa lahat napakasarap isipin na ang daring imposible ay halos abot kamay mo na ngayon. Na Sabi mo pa nga noon ay napaka imposible ngunit heto ka ngayon at tinatamasa ang biyaya dala ng pagpupursige na maabot ang rurok ng tagumpay.
Tandaan mo na walang permanente sa mundo lahat ng bagay ay may hangganan. Datapwat matagumpay ka na ibig sabihin ay tapos na ang laban, tandaan mong marami pang pagsubok ang darating at muling susubukin ang iyong katatagan ngunit maging inspirasyon sa iyo ang lahat ng napagdaanan mo sa buhay. Huwag na huwag kaliligtaang lumingon sa iyong pinanggalingan at ang Diyos na siyang nagbibigay ng lahat. Patuloy kang lumaban at maging matatag kailanman.
Napakasarap isipin ang dating ako noon na walang maipagmamalaki, isang simpleng hamak na mamamayan ng bansang ito ay matagumpay na ngayon. Naniniwala ako na kahit ano pa man ang iyong pagdadaanan ay malalampasan mo ito. Naway hindi ka kailanman magbago at kalimutan ang dating ako. Sapagkat kahit pagbali-baliktarin man ang mundo ikaw at ako ay iisa. Ako ay ako ngayon at sa hinaharap at walang sinuman ang makakapagpabago non.
Comments
Post a Comment