Likas sa yaman ang aming lugar dahil sa magagandang tanawin dulot ng karagatan at mga kabundukan,mga ilog at talon na kaygandang pagmasdan. Ngunit, sadyang may mga gawain ang tao na nakakasira sa ating kalikasan at ang making gawaing ito ay nagdudulot ng matinding suliranin sa ating lipunan.
     
       Isa ang aming barangay sa humaharap sa mga suliranin,at sa napakaraming suliraning ito hindi na alam kung ano ang uunahin na aksyunan.Isa na dito ang walang katapusang pagtatapon ng basura.Alam ko na hindi na ito bago sa inyong pandinig sapagkat,isa rin ito sa mga suliranin na kinakarap ng ating bansa Sa araw-araw na pagtatapon ng basura ay nagmistula ng imbakan ng basura ang mga ilog at tabing dagat.Makikita dito ang gabundok na basura na nakatambak na Minsan ay umaalingasaw na sa baho.Makikita Mo rin ang mga basurang pakalat-kalat sa daan na tinatapon ng mga tao na para bang walang alam sa tamang lalagyan.Ngunit,ano nga ba ang maaring idulot nito sa ating buhay?.Sa totoo lang marami ang maaring idulot ng simpleng pagtatapon ng basura. ngunit patuloy parin natin ginagawa ang mga ito, hindi man lamang natin naisip ang epekto nito sa bawat isa ,ang pag-iimbak ng basura ay maaring magdala ng sakit dala ng umaalingasaw na baho na nalalanghap dito,polusyon sa tubig,maaring pamugaran ng mga insekto at marami pang iba.Ngunit ang mas nakakalungkot ay ang unti-unting pagkasira ng inang kalikasan,unt-unti ng nawawala ang kagandahan ng kapaligiran at maging ang pamumuhay ng mga tao sa amin ay naapektuhan.Nakikita ko na kakaunti na lamang ang nakukuhang isda dahil siguro sa pagkasira ng kanilang tirahan dulot ng basura sa karagatan.

         Ngunit ano nga ba ang dapat gawin paramasolusyonan ang problemang ito?
Isa lamang ang naisip kong paraan ito ay ang DISIPLINA sa sarili.Ang tamang pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan ay malaking tulong na,pagawa ng compost pit para maiwasan ang pagtatapon sa ilog,karagatan at kung sana-saan.Simpleng paghihiwalay ng basurang nabubulok,di-nabubulok at nareresiklo ay makakahinga para sa wastong pamamaraan ng pagtatapon ng basura.Makilahok sa mga programa na naglalayong makatulong sa kaayusan ng kapaligiran,isa na dito ang pagamit ng mga materials galing sa basura na maari pang pakinabangan.Maaring gawing palamuti sa bahay o di kaya'y maaring pagkakitaan.

          Samakatuwid,napakarami pang bagay ang magagawa sa basura kung palalawakin natin ang ating mga kaisipan.Iwasan na ang pagtatapon ng basura bagkus ay gamitin ito sa makabuluhang bagay.Huwag nating hayaan na ang problemang ito ang tuluyanang sumira sa ating kalikasan.Ang problema sa basura ay madaling solusyonan kung tayo ay magtutulongan.Baguhin na natin ang maling pananaw ukol sa maling pagtatapon ng basura para sa matiwasay at maginhawang pamumuhay.Nawa'y nakatulong ako at naging inspirasyon sa bawat isa.

Comments

Popular posts from this blog

SHS: Dagdag na hamon tungo sa magandang kinabukasan ng mag aaral