Bilang isang kabataan nakakalungkot isipin na napakarami sa natin ang tumatahak sa maling landasin ng buhay .Alam ko na napakaraming pagsubok ang dumarating sa ating buhay ngunit mali parin na sumuko tayo at takasan ang mga pagsubok na ito,higit sa lahat ay ang pasukin ang maling landas para maiwasan ang anu mang hamon na dumarating sa ating buhay. Sa simula pa lamang sinabi na ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal na"ang kabataan ang pag-asa ng bayan".Tinutukoy na tayong mga kabataan ang inaasahan sa ating lipunan.Tayo ang magsisilbing daan para sa pagbabago -ang magpapalaganap ng kamalayan at magwawakas sa suliraning kinakaharap ng ating bansa.Ngunit sa panahon ngayon talagang lumalabo na ang kasabihang ito sapagkat marami sa kabataan ngayon ang nalululong sa droga,mga kabataang palaboy at wala sa paaralan,at mayroong mga kaliwa't kanang balita tungkol sa kabulastugang ginagawa ng mga kabataan.Masakit mang isipin ang katotohanan na tayo pa an
Posts
- Get link
- X
- Other Apps
Likas sa yaman ang aming lugar dahil sa magagandang tanawin dulot ng karagatan at mga kabundukan,mga ilog at talon na kaygandang pagmasdan. Ngunit, sadyang may mga gawain ang tao na nakakasira sa ating kalikasan at ang making gawaing ito ay nagdudulot ng matinding suliranin sa ating lipunan. Isa ang aming barangay sa humaharap sa mga suliranin,at sa napakaraming suliraning ito hindi na alam kung ano ang uunahin na aksyunan.Isa na dito ang walang katapusang pagtatapon ng basura.Alam ko na hindi na ito bago sa inyong pandinig sapagkat,isa rin ito sa mga suliranin na kinakarap ng ating bansa Sa araw-araw na pagtatapon ng basura ay nagmistula ng imbakan ng basura ang mga ilog at tabing dagat.Makikita dito ang gabundok na basura na nakatambak na Minsan ay umaalingasaw na sa baho.Makikita Mo rin ang mga basurang pakalat-kalat sa daan na tinatapon ng mga tao na para bang walang alam sa tamang lalagyan.Ngunit,ano nga ba ang maaring idulot nito sa ating buhay?.Sa toto
AKO BILANG AKO: NGAYON AT SA HINAHARAP
- Get link
- X
- Other Apps
Sa bawat hamon na iyong kakaharapin at sa bawat pagsubok na darating sa iyong buhay, huwag na huwag kang susuko. Sapagkat ang bawat hirap na iyong pagdadaanan alam kong panibagong pag asa na darating. Kahit na ilang beses ka mang ilugmok ng kapalaran tandaan mong hindi ka dapat sumuko at mawalang ng pag asa, patuloy kang lumaban at tumayo sa sarili mong mga paa. Sa hirap na iyong napagdaanan heto ka't nakamit mo na ang tagumpay. Naging matatag ka at hindi sumuko sa lahat ng hamon sayo ng kapalaran bagkus ay hinarap mo ito ng walang takot at walang pag aalinlangan kaya kaya naabot mo ang lahat ng minimithi mo sa buhay. Huwag sana itong maging daan para ikay magmalaki at magbago. Isipin mo Ang lahat ng pinagdaanan mo bago mo narating ang lugar kung saan ka ngayon. Alalahanin mo ang mga taong nagmahal, tumulong at sumuporta sa iyo. Huwag mong hahayaan na muli kang hilahin pababa ng kapalaran. Naway lahat ng sakit at hirap na dulot ng nakaraan ay magsilbing aral pa
SHS: Dagdag na hamon tungo sa magandang kinabukasan ng mag aaral
- Get link
- X
- Other Apps
Ang buhay sa Senior High School ay talaga namang hindi madali ngunit masasabi ko na isa sa napakamagandang karanasan.Mahirap sapagkat napakaraming pagsubok ang pagdadaanan ngunit sa kabilang banda ay masaya, sapagkat dito ko naranasan ang lahat ng masasayang karanasan sa aking buhay bilang mag-aaral, hudyat na bagong kabanata ang nagbukas sa aking buhay bilang mag-aaral. Unang araw palang sa skwelahan halo-halong emosyon na ang aking naramdaman,nandyan ang kaba sapagkat hindi ko pa alam ang pagdadaanan ko dito.Pananabik dahil bagong paaralan ,kamag-aral,at guro ang makikilala,hudyat na panibagong yugto sa aking buhay bilang mag-aaral ang aking tatahakin.Naalala ko pa nga noon,unang araw na pagpasok ko sa Senior High School, sobra akong nahihiya dahil sa dami ng studyante na nakakasalubong ko'y lahat sila hindi ko pa Kilala.Unang pagpapakilala sa klase nangangatog pa ang tuhod ko sapagkat lahat ng sila nakatingin sa akin na animo'y lahat ng sasabhin